Thursday, February 18, 2010

Saglit na Dumaan

Bakit ganon?

Kung kelan tayo naging malapit sa isa't isa, kung kelan madalas na tayong nagkakasama, kung kelan natutuwa na akong kasama ka/kayo at hindi na ako nahihiyang tumambay at makipagkwentuhan kasama niyo, saka ka naman aalis.

Kung kelan kumportable na ako sayo at masasabi kong isa ka na sa mga taong gustong-gusto ko talagang nakakasama, kung kelan madalas na tayong lumalabas, saka ka naman gagraduate.

Alam mo iyon? Kung kelan halos huli na at patapos na ang lahat, saka nangyayari ang lahat ng mga ikinatutuwa kong mga pangyayari ngayon.

Para bang.. kung kelan paalis ka na, eh saka ka pa dumating sa buhay ko.

Hay, marahil isa ka sa mga tao sa buhay ko na dadaan lamang saglit para siguro bigyan ako ng leksyon, panandaliang kaligayahan at mga alaala na masasabi kong habambuhay kong maaalala.

Sayang. Kung marami pa sanang natitirang oras, marami pa tayong mapagdadaanan, marami pa tayong magagawa, madaragdagan pa sana ang mga masasayang alaala ko na kasama ka/kayo. Pero, alam kong wala akong magagawa. Aalis ka, gagraduate ka/kayo. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo o hindi na.

Ang masasabi ko na lang ngayon, masaya ako na naging malapit ako sayo at nagkasama tayo kahit na sa loob lamang ng sobrang ikling panahon. Salamat sa mga aral at alaalang iniwan mo sa akin. Lagi kong maaalala na minsan sa buhay ko ay may isang 'Kyther' na naging malapit sa akin at naging simula at dahilan upang mahalin ko ng sobra-sobra ang Kythe.

Wednesday, February 10, 2010

Takot Maging Masaya

Nitong mga nagdaang mga araw, labis-labis ang kaligayahan ko. Para bang nasa katinuan halos lahat ng bagay nitong mga nagdaang araw. Pamilya, ibang acads, social life, org life at kung ano-ano pa. Labis-labis din ang pagod ko nitong mga nakaraang araw pero di ko alintana yun dahil masaya naman ako.

Natutuwa ako sa mga nangyayari. Napakaraming mga pangyayari na di ko inaasahang mangyayari ang nangyari sa loob lamang ng maikling panahon. Di talaga sumagi sa isip ko na mangyayari ang mga iyon kaya masaya talaga ako.

Kaya lang, natatakot na ako ngayon. Madalas kasi pagkatapos ko makaramdam ng labis na kasiyahan ay susundan iyon ng labis na kalungkutan.

Huwag naman sana. Ayoko.

Pero bahala na muna. Kung mangyayari ang isang bagay eh di mangyari lang iyon. Wala naman akong magagawa hindi ba? Pero sana lang hindi ko na ikalungkot ang mga susunod na mga pangyayari.

Saturday, February 6, 2010

Confucianism VS Taoism

Sabi sa Confucianism, dapat gawin mo ang lahat para maibalik ang ayos ng mga bagay-bagay. Dapat magawa mong perpekto ang lahat pagkat kaya namang gawing perpekto nga ang lahat, kailangan mo lang magtiyaga at paghirapan iyon. Sabi nagkakaroon ng gulo dahil hindi magawang intindihin ng tao ang realidad, na siyang susi upang maibalik sa kaayusan ang lahat. Kailangan mong pasayahin ang mga tao, isipin mo lamang ang kaligayahan nila at hindi ang iyo.

Sabi naman sa Taoism, ang labis na pag-iisip ang dahilan kung bakit napakarami nating problema. Ang labis na pangingialam ng tao sa mga bagay-bagay ay lalo lang nagpapakumplikado sa mga problema. Kung gagawin nating simple ang pagtingin sa mga bagay-bagay eh maiiwasan natin ang problema. Di dapat natin pinakikialaman ang 'Nature' sapagkat kahit na anong mangyari, kapag ang isang pangyayari ay talagang nakatadhanang mangyayari eh wala tayong magagawa. Kahit anong gawin mo mangyayari iyon sa ayaw at sa gusto mo. Wala kang kailangang gawin, iyon ang solusyon sa lahat. Wu wei, iyon yon. Walang gagawin.

Ano kayang mas paniniwalaan ko?

Sa ngayon, sumusunod ako sa paniniwala ng Taoism dahil pagod na ako sa kasusunod sa Confucianism. Mukhang nagkakaroon naman ng magandang epekto ang Taoism...

Monday, February 1, 2010

Lamat sa Bakal

Napakabigat ng kalooban ko ngayon.

Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanang nagawa ko. Hay.

Sana hindi ko na lamang iyon ginawa. Sana nanatili na lamang akong ganito, hindi ko dapat pinairal ang aking emosyon. Marahil, kung hindi nangyari iyon ay medyo nasa katinuan pa ang lahat.

Nagkamali ako, inaamin ko, Hay, kasalanan ko ang lahat ng ito.

Kailangan kong hanapan ng solusyon ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko ngayon.

Kailangan kong burahin ang lamat na nabuo sa isang matibay na bakal. Subalit, alam nating lahat, kahit na mabura ang lamat na iyon, nariyan pa rin ang marka na maiiwan nito, at walang ibang paraan upang tanggalin ang markang iyon na habambuhay nang mananatili roon.