Bakit ganon?
Kung kelan tayo naging malapit sa isa't isa, kung kelan madalas na tayong nagkakasama, kung kelan natutuwa na akong kasama ka/kayo at hindi na ako nahihiyang tumambay at makipagkwentuhan kasama niyo, saka ka naman aalis.
Kung kelan kumportable na ako sayo at masasabi kong isa ka na sa mga taong gustong-gusto ko talagang nakakasama, kung kelan madalas na tayong lumalabas, saka ka naman gagraduate.
Alam mo iyon? Kung kelan halos huli na at patapos na ang lahat, saka nangyayari ang lahat ng mga ikinatutuwa kong mga pangyayari ngayon.
Para bang.. kung kelan paalis ka na, eh saka ka pa dumating sa buhay ko.
Hay, marahil isa ka sa mga tao sa buhay ko na dadaan lamang saglit para siguro bigyan ako ng leksyon, panandaliang kaligayahan at mga alaala na masasabi kong habambuhay kong maaalala.
Sayang. Kung marami pa sanang natitirang oras, marami pa tayong mapagdadaanan, marami pa tayong magagawa, madaragdagan pa sana ang mga masasayang alaala ko na kasama ka/kayo. Pero, alam kong wala akong magagawa. Aalis ka, gagraduate ka/kayo. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo o hindi na.
Ang masasabi ko na lang ngayon, masaya ako na naging malapit ako sayo at nagkasama tayo kahit na sa loob lamang ng sobrang ikling panahon. Salamat sa mga aral at alaalang iniwan mo sa akin. Lagi kong maaalala na minsan sa buhay ko ay may isang 'Kyther' na naging malapit sa akin at naging simula at dahilan upang mahalin ko ng sobra-sobra ang Kythe.
No comments:
Post a Comment