Kay tagal kong pinag-isipan ang bagay na iyon, kay raming tao akong ginambala para lamang matulungan akong makapagdesisyon. Sa huli, akala ko ang desisyon na ginawa ko ay ang tama.
Pero bakit ngayon, nakakaramdam ako ng pagsisisi? Ito ang ninais ko, ito ang bunga ng pagdedesisyon ko na akala ko ay magpapanatag ng loob ko. Pero mukhang nagkamali ako.
Nagkamali nga ba kaya ako sa naging desisyon ko?
Hindi pa man nagsisimula ang lahat ay heto na ako, nagsisisi. Wala pa mang nangyayari ay heto na ako, hindi na mapakali. Paano pa kaya kung magsimula na ang lahat? Paano na kapag dumating na ang araw na iyon? Ano na lamang ang gagawin ko at iisipin ko?
Wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng ito. Ito ang naging desisyon ko noon, kailangang panindigan ko ito ngayon. Wala na itong atrasan, wala nang ibang magagawa pa.
Ang kailangan ko ngayon ay tulong, tulong sa pangungumbinsi sakin na tama ang naging desisyon ko, at tama ang ginagawa ko.
No comments:
Post a Comment