Thursday, November 12, 2009

Pag-iisip

Bago ko isulat ang bago kong blog, may naisip lang ako.

Napakasipag ko pala mag-isip. Hahaha.

Habang binabasa ko ang aking blog, parang lumalabas na wala na akong ibang ginawa kundi mag-isip ng mag-isip, pag-isipan ang mga bagay na wala namang kwenta.

Isip. Isip. Isip.

Kahit na anong pag-iisip ang gawin ko, wala namang magbabago, wala akong mapapala. Parang sinasayang ko lang ang panahon ko.

Pero ano nga bang magagawa ko? Hanggang pag-iisip lamang ang kaya kong gawin. Ang pag-isipan ang kung ano-anong bagay hanggang sa bigla na lamang itong mawala sa aking isip nang parang bula sa paglipas ng panahon.

No comments:

Post a Comment