Thursday, November 12, 2009

Ilang buwan na rin ang nagdaan

Muli akong nagbalik.

Matagal-tagal na rin nang huli akong nagsulat sa blog kong ito. Naging abala kasi ako sa pag-aaral.

Ngayon may nais akong isulat, kaya lang, hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Binasa ko ang mga dati kong isinulat sa blog na ito, at medyo natawa ako nang mabasa ko ang mga pagdadrama ko noon. Lalo na, halos puro tungkol sa pag-ibig ang mga iyon. Oo inaamin ko na, puro talaga tungkol sa pag-ibig iyong mga iyon.

Medyo kahalintulad ng bago kong isusulat na blog ang iba ko pang naunang mga blog, subalit iyon ay mas malalim.. at para sa akin ay mas matindi kaysa sa iba. Ang pinakamalaking pagkakaiba niyon ay wala itong koneksiyon sa pag-ibig. Purong buhay ko lamang, at walang kinalaman sa buhay ng iba.

Mamaya susulat na ako kapag nasa tamang kundisyon na ako. Sa ngayon paalam muna.

No comments:

Post a Comment